Tiniyak ni National Security Adviser Assistant Director General Jonathan Malaya ang mas pinalakas pang rotational presence ng pamahalaan sa West Philippine sea at iba pang water territory ng bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Malaya na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang deployment gaya na lamang sa Rozul Reef na doon ay kanilang dinispatsa ang BRP Datu Sanday.
16 na commercial fishing vessels ani Malaya ang natulungan sa naturang deployment.
Kaya panawagan ni Malaya sa mga mangingisdang Pinoy, patuloy lang ang gawing pangingisda at nakaalalay aniya ang gobyerno sa kanila.
Ipapakita ani Malaya ng Pilipinas sa buong mundo na sa pamamagitan ng presensya ng Coast Guard, BFAR at regular na pagpapatrolya ng Philippine Navy ay protektado ang mga mangingisdang Pilipino at malayang makapangingisda sa katubigang sakop ng teritoryo ng bansa. | ulat ni Alvin Baltazar