Welcome para kay 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez ang resulta ng OCTA Research survey kung saan 55 percent ng respondent ang suportado ang pakikipagtulungan ng gobyerno sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa anti-illegal drug war.
Nasa 59% naman ang nagsasabi na dapat ay bumalik muli ang Pilipinas sa ICC.
Ani Gutierrez, vindication ito sa inihain niyang resolusyon kasama si Manila Rep. Benny Abante, na humihimok sa mga ahensya ng pamahalaan na makipagtulungan sa ginagawang imbestigasyon ng ICC.
Paalala ng mambabatas, layunin ng kanilang resolusyon na ipakita sa international community na iginagalang at kinikilala ng Pilipinasa ng rule of law lalo na ang pangangalaga sa human rights.
Nilinaw naman ni Gutierrez, na nasa kamay pa rin ng ehekutibo partikular ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang desisyon hinggil sa usapin.
Gayunman, umaasa ito na irekonsidera ito ng pamahalaan kasunod na rin ng resulta ng naturang survey at pulso ng masa. | ulat ni Kathleen Forbes