Binigyang diin ni Speaker Martin Romualdez, na may-akda ng “Public Prosecutors’ Hazard Pay Act”, ang mahalagang papel ng mga hukom at piskal sa administrasyon ng “criminal justice.”
Dahil hawak nila ang mga malalaking kaso na may kaugnayan sa national security, ilegal na droga, terorismo, at iba pang mabibigat na krimen ay mas lantad sila sa panganib at banta sa buhay—at ang iba ay nauuwi pa sa pagkamatay.
Kaya naman bilang sukli sa kanilang paglilingkod ay itinulak nila na gawing tax free ang ipinagkakaloob na hazard pay sa kanila.
Kaya naman, nararapat lamang na tapatan ang kanilang paglilingkod gaya ng pagkakaloob ng hazard pay at gawing “tax-free” ito.
Kasama ring inaprubahan ang “Hazard Pay for Regional Trial Court Judges Act” kung saan makakabenepisyo sa tax-free hazard pay oras na maisabatas ay mga hukom sa Regional Trial Courts, Metropolitan Trial Courts, Municipal Trial Courts in Cities, Municipal Circuit Trial Courts at Municipal Trial Courts. | ulat ni Kathleen Forbes