Ikinalugod ng mga mambabatas na kaalyado ng administrasyon ang pagbabago sa posisyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay suportado na ang pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.
Ayon kina Representatives Peter Miguel (South Cotabato, 2nd District), Cheeno Miguel Almario (Davao Oriental, 2nd District), at Ray Reyes (ANAKALUSUGAN Party-list) welcome development ito dahil may pagkakasundo na ng posisyon ang dating Pangulo at si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa pagbabago sa 37 year old Charter.
Sinabi ni Miguel, napakalaking bagay ng pronouncement ng dating Pangulo lalo ay noon lamang nakaraan ay tutol aniya siya dito.
“It is a big deal for us na magsama na ang dalawang influential persons ng Pilipinas ngayon, ang ating sitting president, PBBM, and the former President saying Cha-Cha (Charter Change) is good, so long as we will amend the economic provisions,” ani Miguel.
Pagsiguro pa ni Miguel sa publiko na hindi mahahaluhan ng usaping politika ang itinutulak na amyenda.
“So ito ang maganda, actually ito ‘yung the last piece of the puzzle na magsasabi sa both the House and the Senate na tuloy na tayo, tuloy na wala nang balakid ‘to basta ekonomiya lang and kami dito sa Congress, we’re true to our commitment for the economic provisions alone,” dagdag ng kinatawan.
Maituturing naman ni Almario na ‘breath of fresh air’ ang pahayag ng dating Pangulo.
Aniya malaking bagay ang ganitong mga suporta mula sa mga maimpluwensyang lider.
“For the former President to mention that he is for the Economic Cha-Cha, it is a breath of fresh air to us and we continue to welcome these kinds of support from all of our influential leaders across the country. The intention was never vested interest in the first place. It was to really further improve the economical standpoint of the country,” sabi ni Almario.
Ikinatuwa rin ni Reyes ang positibong tugon ng dating Punong Ehekutibo sa panukalang Economic Cha-Cha lalo na para sa isinusulong na pag-unlad ng bansa.
“We are very happy with the comment of our former President and we look forward to working with each and every stakeholder moving forward,” sabi ni Reyes. | ulat ni Kathleen Jean Forbes