Kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kabilang na rin ang kumpanyang Grab Philippines sa pilot study ng motorcycle taxi sa bansa.
Ayon sa LTFRB, nagpadala na ng liham ang Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) sa Grab kaugnay ng desisyong ito.
Gayunman, nilinaw ng LTFRB na masisimulan lang ng kumpanya ang operasyon ng MC Taxi service sa oras na mabigyan na ito ng TWG ng lisensya para sa pilot study.
Nitong January 8, 2024, nagsagawa na aniya ng site inspection ang TWG sa Grab Philippines at hinihintay nalang ngayon ang final regulatory approval para sa MC Taxi Pilot application nito.
Samantala, sa usapin naman ng recruitment ng drivers ng Grab para sa bike-hailing service, sinabi ng LTFRB na wala itong guidelines na nagbabawal sa ganitong gawain.
“Concerning the actual activation of any MC Taxi app or service on the Grab app, this agency confirms that Grab is yet to receive full authorization from the MC Taxi TWG,” paliwanag ni Guadiz.
“Rest assured, the LTFRB will continue to work closely with all stakeholders in the industry to maintain fair competition in this fast-growing sector,” dagdag pa ni Guadiz. | ulat ni Merry Ann Bastasa