Patuloy pa rin ang pagbaba ng lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon kabilang na ang Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig ng mga residente ng Metro Manila.
Batay sa update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-6 ng umaga ay bumaba pa sa 205.93 meters ang lebel tubig sa Angat Dam.
Nabawasan pa ito ng 18 sentimetro kumpara sa 206.11 meters water elevation kahapon dahil sa kawalan pa rin ng ulan sa watershed.
Bukod sa Angat Dam, nabawasan din ang imbak na tubig sa Ipo Dam na nasa 99.52 meters.
Bumaba rin ang antas ng tubig sa La Mesa Dam, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa