Muling binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commitment ng Pilipinas, kaisa ng Southeast Asian nations, sa pagkakaroon ng isang mundo na malaya sa anumang nuclear weapon.
Sa talumpati ng Pangulo sa harap ng Australian Parliament, sinabi nito na mananatiling aktibo ang Pilipinas, hindi lamang sa pakikipag-ugnayan nito sa Australia, bagkus ay maging sa international stage.
Ito ayon sa Pangulo ay para sa pagpapatatag ng pagsunod ng buong mundo sa international humanitarian law.
“Beyond the region, we project this commitment too, in our partnership and active leadership on the international stage. We collaborate closely with Australia to strengthen international security and universal adherence to international humanitarian law.” — Pangulong Marcos.
Kinilala rin ng Pangulo ang personal commitment ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa vision ng Pilipinas na isang mundo na malaya sa nuclear weapon.
Ang commitment aniya na ito ay isinusulong rin ng lahat ng bansa sa Southeast Asia, kabalikat ang Australia at mga estado sa Pasipiko.
“Through the treaties of Bangkok and Rarotonga, our two regions serve as pockets of freedom from these destructive weapons. Within the ambit of the ASEAN Regional Forum and the Nuclear Non-Proliferation Treaty, our two countries are champions of nuclear disarmament and advocates for nuclear risk reduction.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan