Kumpiyansa si Senador JV Ejercito na sa pamamagitan ng pagsasapribado ng operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay mas mapapaganda ang mga pasilidad at operasyon ng paliparan.
Ginawa ng senador ang pahayag na ito matapos ang napaulat na pagkakaroon ng surot sa mga upuan ng NAIA.
Kinilala naman ni Ejercito ang paghingi ng paumanhin ng pamunuan ng NAIA.
Pero kasabay nito ay umaasa ang mambabatas sa tulong ng pribadong kumpanya na nanalo sa bidding ng privatization ng NAIA operations ay mas aayos ang pangunahing gateway ng bansa.
Matatandaang ang San Miguel Corporation ng negosyanteng si Ramon Ang ang nanalo sa bidding ng NAIA privatization. | ulat ni Nimfa Asuncion