Posibleng manatili ang mataas na temperatura gayundin ang heat index o alinsangan sa katawan sa bahagi ng Cotabato City, Maguindanao.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo hanggang sa 42°C ang heat index sa Cotabato City ngayong Lunes, March 4.
Ito rin ang pinakamataas na heat index na naitala sa buong bansa sa nakalipas na dalawang araw.
Ayon pa sa PAGASA, maaari pang umabot sa 44°C ang alinsangan sa Cotabato sa araw ng Martes o sa March 5.
Nauna nang sinabi ng PAGASA na hanggang Mayo pa mararamdaman ang matinding init ng temperatura sa bansa dahil na rin sa epekto ng El Niño. | ulat ni Merry Ann Bastasa