Hinikayat ngayon ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nitong may unpaid loans na samantalahin ang pagbabalik ng alok nitong loan penalty condonation program.
Ayon kay Social Security System (SSS) Executive Vice President for Investments Sector Rizaldy T. Capulong, nagdesisyon si SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na magpatupad muli ng condonation program para matulungan ang mga miyembrong may past-due loans na maibalik ang kanilang good standing at muling makapag-loan.
“We want to persuade our members with unpaid loans to grab this opportunity to pay their past-due loans without penalties through an easy payment scheme. We launched this program as a relief to aid our members who find it challenging to fulfill their loan obligations with the SSS. This offer is available while the program lasts,” Capulong.
Sa ilalim ng Conso Loan program, pagsasamahin na ang principal at interest ng past-due short-term member loans para gawing isang consolidated loan.
Habang ang hindi nabayarang penalties ay tatanggalin sa sandaling ang miyembro ay mabayaran ng buo ang consolidated loan.
Kabilang sa mga kwalipikado rito ang mga miyembrong may outstanding loan obligations sa kanilang salary, calamity, emergency, and restructured loans, kabilang ang Salary Loan Early Renewal Program (SLERP).
Kailangan lamang na magsumite ng aplikasyon ang mga ito sa Conso Loan program online sa kanilang My.SSS account.
Hindi naman kwalipikado na rito ang mga miyembrong nakatanggap na ng final benefit gaya ng permanent total disability o retirement; at mga may kasong fraud sa SSS.
As of December 2023, nasa higit kalahating milyong miyembro na ng SSS ang nakapag-avail ng Conso Loan program kung saan aabot na sa P7.3 bilyon ang loan penalties na na-waive ng SSS. | ulat ni Merry Ann Bastasa