Lagpas na sa 1 bilyong piso ang halaga ng pinsala ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura.
Batay ito sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Pinakamalaking pinsala ang tinamo ng Western Visayas kung saan nasa P678 milyon ang halaga ng nasirang pananim.
Kasunod dito ang MIMAROPA na may mahigit P319 million pinsala, at Ilocos region na may mahigit P54 Million.
Sa kabuuan nasa mahigit 17, 000 hektarya ng mga pananim ang apektado ng El Nino.
Samantala, aabot naman sa mahigit 23,000 na mga magsasaka at mangingisda ang apektado ng matinding tag-tuyot. | ulat ni Leo Sarne