Tinawag na “fake news” ng Department of Education (DepEd) ang mga kumakalat na post sa social media.
Ito’y kaugnay sa di umano’y pamamahagi ng “pang baon” ng kagawaran sa mga mag-aaral.
Batay sa abiso ng DepEd, pinaalalahanan nito ang publiko lalo na ang mga magulang na pagsabihan ang kanilang mga anak na huwag magbigay ng kahit anong impormasyon sa mga taong hindi nila kilala.
Kalimitan kasi sa mga kinukuhang impormasyon ng mga kawatan ay ang school information at identification ng mga estudyante, kaya’t mainam na huwag itong ibigay upang hindi makompromiso ang kanilang seguridad
Payo ng DepEd, ugaliing bisitahin lamang ang mga opisyal na social media platforms gaya ng Facebook, X, Instagram at website.
Hanapin lamang ang blue check mark bilang katibayan na lehitimo ito. | ulat ni Jaymark Dagala