Nagsimula na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad ang 30-minute ‘heat stroke break’ para sa mga tauhan nito sa lansangan.
Ito ay bahagi ng hakbang ng ahensya para mapigilan ang mga sakit na maaaring makuha sa panahon ng tag-init sa mga field personnel nito.
Ayon kay MMDA Chairperson Atty. Don Artes, shifting ang pagpapatupad ng 30 minuto heat stroke break.
Sa ilalim ng polisiya, maaaring iwan muna ng mga traffic enforcer at street sweeper ang kanilang puwesto upang makapagpahinga ng 30 minuto.
Sa oras ng heat break, maaari silang uminom ng tubig, lumilim, at magpahinga muna.
Inaasahang mas titindi pa ang init na mararamdaman hanggang sa Mayo dahil na rin sa epekto ng El Niño. | ulat ni Diane Lear