Pinayuhan ng isang mambabatas ang mga guro na maging maingat sa paglalabas nila ng mga saloobin.
Bunsod na rin ito ng nag-viral na livestream video ng isang high school teacher na nagalit at nanermon sa mga estudyante.
Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro, na isa ring guro, bagamat batid na nakakasama naman talaga ng loob kapag ang estudyante ay hindi pinahahalagahan ang pag-aaral o walang galang, hindi tama na ipahiya ang estudyante lalo at inilabas pa ito sa social media.
Paalala pa niya na hindi dapat gumamit ng discriminating o mapanakit na mga pananalita dahil mayroon naman ding ibang paraan para pangaralan o disiplinahin ang mga mag-aaral,
Naniniwala naman si Castro na mahalagang mapagtuunan ang mental health ng kapwa guro at estudyante sa tulong ng dagdag na guidance counselors at psychologists. | ulat ni Kathleen Jean Forbes