Nagpaalala ngayon ang Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng opisyal at kawani ng gobyerno na huwag kaligtaang magsumite ng kanilang sworn Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) para sa taong 2023.
Ayon sa CSC, hanggang sa April 30, 2024 lamang ang deadline kung kailan papahintulutan ang pagsusumite ng SALN.
Minamandato sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution at ng Republic Act No. 6713, o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, ang taunang pagsusumite ng SALN ng lahat ng government workers, sila man ay regular o nasa temporary status.
Ito ay deklarasyon ng assets o mga pag-aari (hal. lupa, sasakyan, atbp.) at liabilidad (hal. loan, utang, mga binabayarang interes, atbp.) ng isang opisyal o empleado, pati na ng kanyang asawa, at mga anak na di pa kasal at menor de edad na nakatira pa rin sa magulang.
Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, tungkulin ng bawat kawani ng pamahalaan na ideklara ng tapat at maging transparent sa kanyang SALN.
“We would like to emphasize to all government officials and employees the importance of submitting the updated declaration under oath of our assets and liabilities. As civil servants, it is our duty to complete this task truthfully to promote transparency and uphold the public’s trust in both us and the bureaucracy,“ ani Nograles. | ulat ni Merry Ann Bastasa