Naghain ng panukalang batas si Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na naglalayong bigyan ng diskwento ang mga mahihirap na estudyante sa kanilang matrikula, school supplies, at iba pang gamit sa eskwela.
Ayon kay Yamsuan, sa ilalaim ng House bill 1850, ito ay para sa mga estudyante ng basic education, technical vocational, at kolehiyo na siyang maaring magamit sa kanilang pagbili ng libro, pagkain, gamot, at iba pang kailangan ng mga mag-aaral.
Bukod dito, may diskwento rin sa entrance fees sa mga museo, teatro, at cultural events.
Kapag tuluyang maging batas, imamandato nito sa
Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagtukoy ng mga kwalipikadong benepisyaryo ay siya ring ang mag-iisyu ng kanilang mga IDs.
Pagmumultahin naman ang mga lalabas ng ₱20,000 hanggang ₱250,000 at pansamantalang suspensyon ng license to operate.
Naniniwala ang Party-list solon na sa pamamagitan ng kanyang panukala ay maiibsan ang problema sa gastos ng mga magaaral at makakatulong sa kanilang pagtatapos. | ulat ni Melany Valdoz Reyes