Nailigtas ng mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao at Joint Task Force Tawi-Tawi ang lahat ng sakay isang lantsang rehistrado sa PILIPINAS, na nasiraan sa karagatan ng Sabah, Malaysia.
Ayon kay Brigadier General Romeo Racadio, Commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, dinispatsa ng Naval Task Group Tawi-Tawi ang BRP Florencio Iรฑigo (PC393) matapos matanggap ang distress call ng M/L Rihanna, na nagkaroon ng problema sa makina habang bumibiyahe patungong Taganak Island noong Biyernes.
Sa isinagawang search and rescue operation, nakipag-coordinate ang Philippine Navy sa Malaysian Navy na siyang humila sa M/L Rihanna mula sa karagatan ng Tagupi Island, Sabah patungong Tanjung Labian, Malaysia habang hinihintay ang barko ng Philippine Navy.
Nang makarating sa lugar, isinakay ng BRP Florencio Iรฑigo ang anim na crew at 15 pasahero ng M/L Rihanna at hinila ang sirang lantsa patungong Lamion Wharf, Bongao, Tawi-Tawi.
Nasa maayos na kalagayan ang mga naligtas, pagdating sa Tawi-Tawi nitong Linggo.
Binati ni Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lieutenant General Roy Galido ang Naval Forces Western Mindanao and Joint Task Force Tawi-Tawi sa kanilang mabilis na pagresponde sa sitwasyon. | ulat ni Leo Sarne
?: Westmincom