Umapela ang isang mambabatas sa Philippine Sports Commission at Department of the Interior and Local Government na maglabas ng heat index advisories sa lahat ng outdoor sports organizers at LGU hosts.
Ayon kay Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos, kritikal ang impormasyong ito para sa kaligtasan ng mga manlalaro.
Maliban kasi aniya sa init ng araw ay dagdag init din ang konkreto o kalsada bunsod ng heat island effect sa mga urban area.
Dagdag pa niya na kadalasan ginagawa ang mga regional Palaro competitions sa buwan ng Abril at Mayo kung saan mas matindi ang init. | ulat ni Kathleen Jean Forbes