Dumistansya ang liderato ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) sa mga banat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa isang pulong balitaan sa Cebu, sinabi ni PDP President at Palawan Rep. Jose Alvarez, na malaya ang dating Pangulo na kanilang party chairman na maghayag ng kaniyang saloobin laban sa administrasyon ngunit hindi obligado ang mga miyembro ng partido na suportahan ito.
Sabi pa ni Alvarez na sila at consolidators at peacemakers o isinusulong ang pagkakaisa at kapayapaan.
Pinakabagong hirit ng dating presidente ay sumailaim sa drug test si PBBM.
“Our party chairman right now being a former president can say anything he wants but us in the party hierarchy, we are consolidators, we are peacemakers, we are the forefront for peace and prosperity of the nation. So therefore, whatever other rhetoric above us, please do not involve us,” ani Alvarez.
Nitong Abril 19 ginanap sa Cebu ang national council meeting at selebrasyon ng ika-42 anibersaryo ng PDP. | ulat ni Kathleen Forbes