Plano ni Deputy Minority Leader France Castro na magpatawag ng pulong para pagpaliwanagin ang mga generation company sa paulit ulit na problema tuwing tag init kung saan numinipis ang suplay ng reserbang kuryente.
Ayon kay Castro, parati naman ipinapaalala ng DOE na paghandaan ng gencos ang summer dahil sa laging nagkakaroon ng pagnipis sa suplay ng reserbang kuryente ngunit nauulit pa rin ang problema.
Isa pa sa pinuna ng lady solon ay nag napaulat na pagpalya ng nasa halos 50 na power plants.
Dapat aniya ito masilip dahil tila lagi ito natataon tuwing tag-init kung kailan malakas ang konsumo ng publiko.
Dagdag pa niya na hindi ito makatwiran lalo at itinutulak na naman ang panibagong taas singil sa kuryente.
“…magfa-file kami ng resolution para imbestigahan itong seemingly unpreparedness na nangyayari sa ating gencos. Parang taon-taon na kasing nangyayari iyan. And yet kapag may ganitong panahon, itataas nila, nagiging dahilan ito para tumaas ang presyo ng kuryente.” sabi ni Castro. | ulat ni Kathleen Forbes