DND, nakiisa sa pagdiriwang ng Labor Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaabot ni Department of Nationa Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang pakikiisa ng buong kagawaran sa pagdiriwang ng Pilipinas at buong mundo ng Labor Day.

Sa isang pahayag, kinilala ni Sec. Teodoro ang malaking sakripisyo at kontribusyon ng mga Pilipinong manggagawa sa loob ng bansa at sa ibayong dagat.

Kasabay ng pagbibigay pugay sa mga manggagawa, hinikayat ni Teodoro ang mga mamayan na alalahanin ang kahalagahan ng pagsuporta sa mga habanging pangkapayapaan at panseguridad.

Binigyang-diin ng kalihim ang kahalagahan ng matatag at ligtas na kapaligiran sa progresong pang-ekonomiya, para maging abot-kamay ang prosperidad sa bawat mamamayan.

Umaasa si Teodoro na ang pagdiriwang ng Labor Day ay magsisilbing inspirasyon sa bawat Pilipino na patuloy na magsikap tungo sa maganda at ligtas na kinabukasan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us