Mas-matatag na kooperasyong pandepepensa isinulong ng AFP Chief at US Army Pacific Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang Commanding General ng US Army Pacific (USARPAC) General Charles Flynn sa pagbisita ng huli sa Camp Aguinaldo kahapon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad, ang pagpupulong ng dalawang opisyal ay pagpapatibay ng alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Dito’y muling tiniyak ng dalawang opisyal ang commitment ng Pilipinas at Estados Unidos na palakasin ang kooperasyong pandepensa at isulong ang nagkakaisang layuning tungo sa kapayapaan, stabilidad at kaunlaran.

Nagpasalamat naman si Gen. Brawner sa suporta ng U.S. Army sa pagsulong ng mga “technological venture” ng AFP, at binigyang diin ang kahalagahan ng planong pagpapalawak ng Balikatan exercise. | ulat ni Leo Sarne

📸: SSg Ambay/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us