Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa, ay tuloy ang biyahe ng QCity Bus Service ngayong Miyerkules, May 1, 2024.
Ito ay para serbisyuhan ng libre ang publiko kabilang ang mga manggagawang may pasok pa rin ngayong Labor Day.
Sa abiso ng LGU, regular pa rin ang magiging operasyon ng QCity Bus na may isang oras ang interval.
Samantala, may libre ring Point-to-Point Bus Shuttles ang Quezon Ciry LGU para sa lahat ng mga aplikanteng makikiisa sa Labor Day Job Fair nito.
Magsisimula itong magserbisyo mamayang alas-7:30 ng umaga sa mga rutang SM North Edsa patungong Quezon City Hall; SM Sta.Mesa (Bus No.06) patungong Quezon City Hall; SM Novaliches (Bus No. 04) patungong Quezon City Hall Point-to-Point at SM Fairview (Bus No. 02) patungong Quezon City Hall.
Una nang inanunsyo ng QC LGU na nasa 100 kumpanya ang mag-aalok ng higit 9,000 trabaho at oportunidad sa loob at labas ng bansa sa labor day job fair nitong gaganapin sa City Hall Risen Garden mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
Bukas ito maging sa mga job seeker na hindi residente ng QC. | ulat ni Merry Ann Bastasa