Ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang suspensyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) partikuar na sa Luzon at Visayas.
Ito’y dahil sa sunod-sunod na pagsasailalim dito sa Red Alert sa mga nakalipas na linggo bunsod ng napakataas na demand sa kuryente dahil sa nararanasang matinding init.
Sa ilalim ng kautusan ng ERC, kailangang manatili sa mas mababang presyo ang ibinebentang kuryente ng WESM sa mga Power Distributors upang protektahan ang kapakanan ng mga konsyumer.
Dahil kasi sa sunod-sunod na power outage o kawalan ng suplay ng kuryente dulot ng manipis na reserba ay mas madalas na isinasailalim sa Red at Yellow Alert ang Luzon at Visayas Grid.
Patunay lamang ito ayon sa ERC na kapag tumataas ang demand ay tumataas din ang presyo ng ibinebentang kuryente ng WESM ng 11 porsyento sa Luzon at 53 porsyento naman sa Visayas na siyang nagpapahirap sa mga konsyumer. | ulat ni Jaymark Dagala