Umabot na sa ₱34.10-billion ang kabuuang halaga ng mga iligal na drogang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon sa PDEA, nagmula ito sa higit 64,000 anti-drug operation nito mula July 1, 2022 hanggang katapusan ng Marso.
Nangunguna rito ang nasabat na shabu na umabot sa higit 4,000 kilograms, na sinundan ng cocaine (74.56kgs), ecstasy (55,078pcs), at marijuana na umabot sa 3,833 kilograms.
Kaugnay nito, umabot na rin sa 88,000 ang mga naaresto kung saan 5,894 ang mga itinuturing na high value individual.
Samantala, nasa 28,511 na rin ang mga idineklarang drug-cleared na barangay sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa