May oportunidad din ang mga jobseekers na makapaglingkod sa Philippine Army na nakiisa rin sa Mega Job Fair ng Quezon City LGU ngayong araw.
Mayroon ding recruitment booth ang Philippine Army dito kung saan nakapaskil ang ilang posisyong pwedeng aplayan ng mga jobseeker.
Kabilang dito ang Army Enlisted Personnel at Human Resource Personnel.
Ayon kay PFC Ann Manto, ng 11th Civil Military Operations Batallion, pwedeng mag-apply dito kahit ang mga K-to-12 graduates basta physically at mentally fit at may mga skills na hinahanap ng Army.
Marami namang interesadong aplikante ang humihingi na ng flyers sa mga tauhan na nandito sa Mega Job Fair.
Kinaaliwan din ang gimik kung saan pwedeng magpalitrato ang jobseekers sa iba’t ibang kagamitan ng mga sundalo gaya ng M16 rifle, bandolier, lifevest, at communications equipment,
Bukod sa Army, may one-stop-shop booth rin dito ang iba pang government agencies na nag-aalok ng mga serbisyo gaya ng QCitizen ID, PhilSys ID, Social Security System, PhilHealth at Pag-IBIG membership. | ulat ni Merry Ann Bastasa