Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga Pilipino sa mga alok na scam at trabaho na makikita sa iba’t ibang social media platform.
Lalo na yung mga nanghihingi ng pera para sa pagproseso ng dokumento at agad makalipad sa ibang bansa.
Ito ay sa gitna nang mataas na demand para sa overseas Filipino worker (OFW) at dami ng nag-aasam magtrabaho sa abroad.
Sa kaniyang mensahe sa ginaganap na job fair ng DMW dito sa isang mall sa Quezon City, sinabi ni Secretary Hans Leo Cacdac na ang lahat ng trabaho abroad ay dapat dumaan sa ahensya.
Ito ay upang matiyak na ito ay legal at sumusunod sa labor standards ang mga recruitment agency.
Dagdag pa ni Cacdac, na dapat siguraduhin na working visa ang gamit sa pagtatrabaho abroad at hindi tourist visa tulad ng ilang Pilipino upang maiwasan ang aberya at problema. | ulat ni Diane Lear