Pinaalalahanan ng opposition lawmaker ang Chinese Government na hindi ito dapat makialam sa pagtupad ng mandato ng mga mambabatas.
Kaugnay ito sa gagawing imbestigasyon ng Kamara sa pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan.
Sa isang privilege speech ay kinuwestyon ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez ang tila pangingialam ng Chinese Government sa gagawing imbestigasyon ng Kamara, kasunod ng inilabas na pahayag ng Chinese Embassy kung saan sinasabi na maituturing itong inciting suspicion and hatred of China, pagpapakalat ng Sinophobia at nagpapalala sa China-Philippines maritime issues.
Ipinagtanggol din ni Gutierrez si Cagayan Rep. Jojo Lara na siyang naghain ng resolusyon para sa pagsisiyasat.
“For the Chinese Embassy to issue a statement directly attacking the inquiry and the motives Congressman Lara has, is this the non-interference that China espouses? Why does the Embassy of China presume to have the authority to tell us, the representatives of the Filipino people, our motives? We take exception to this statement,” sabi ni Gutierrez.
Ayon sa party-list solon, bagamat hindi masasabi na 100 porsiyentong accurate ang mga impormasyon ukol sa dami ng Chinese students sa Cagayan ito mismo ang pinaka layunin ng gagawing imbestigasyon.
“But if there is any truth to the claim, even a semblance, would this not warrant an investigation? Would this not be a national security concern? Is that not the whole point of an inquiry, to ferret out the truth and bolster our laws?” Sabi pa ni Gutierrez | ulat ni Kathleen Forbes