Naitala ang pinakamataas na heat index ngayong araw sa apat na lalawigan sa bansa na umabot sa danger category.
Ayon sa ulat ng PAGASA, umabot sa 48°C ang heat index sa SBSUA-Pili, Camarines Sur, at Catarman, Northern Samar, 46°C naman sa Dagupan City, Pangasinan at Bacnotan, La Union.
Bukod dito, may 29 pang lalawigan ang nasa danger category mula sa 42°C hanggang 45°C ang heat index.
Kabilang dito ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City na nakapagtala ng heat index na 43°C at Science Garden sa Quezon City na 42°C.
Bukas, asahan pa ang matinding init na panahon na mararanasan sa 38 lalawigan sa bansa.
Sabi pa ng PAGASA, posibleng papalo ulit sa 48°C ang heat index sa SBSUA -Pili Camarines Sur at 47°C sa Dagupan City Pangasinan. | ulat ni Rey Ferrer