Mahigit 1,200 benepisyaryo ng TUPAD Program ang tumanggap ng kanilang sahod sa Quezon City ngayong Labor Day.
Ayon kay PESO Public Employment Division Head Rhye Labrador, bawat isa sa kanila ay pinagkalooban ng P6,100 para sa 10 araw na kabayaran sa kanilang trabaho o P610 kada araw na sweldo.
Kabilang sa mga benepisyaryo ng cash for work ay mula sa impormal sektor at mga nawalan ng trabaho.
Kasabay ng pamamahagi ng benepisyo ng TUPAD program may 265 na indibidwal naman ang pinagkalooban din ng NeGo Kart.
Sabi pa ni Labrador, matagumpay aniya ang inilunsad na job fair sa Quezon City Hall.
Bukod pa ito sa apat na malalaking mall sa lungsod na sabayan ding naglunsad ng job fair ngayong labor day. | ulat ni Rey Ferrer