Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko at mga motorista laban sa mga gumagamit sa pangalan ng ahensya para sa scam.
Partikular na ang kumakalat na text message tungkol sa paghuli sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) at instruksyon hinggil sa pagbabayad ng multa.
Ayon sa MMDA, peke ang text message lalo at nananatiling suspendido ang operasyon ng NCAP kasunod ng inilabas na temporary restratining order ng Korte Suprema.
Nagpaalala ang ahensya sa mga motorista na huwag basta maniwala sa mga mensahe na natatangap sa text o social media at iwasan pindutin ang link upang maiwasan maging biktima ng scam.
Dagdag ng MMDA, kung may natanggap na kahina-hinalang mensahe o post sa social media, maaaring tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa official accounts ng ahensya.| ulat ni Diane Lear