Dinagsa ng daan-daang mga aplikante ang isinagawang Labor Day Job Fair ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ngayong araw sa SM City Marikina.
Pinangunahan nina Marikina City Mayor Marcy Teodoro at Cong. Maan Teodoro ang naturang aktibidad.
Layon nitong magbigay ng trabaho sa mga jobseeker at makatulong na magbigay ng kabuhayan sa kani-kanilang pamilya.
Nasa 34 lokal na mga kumpanya ang nakiisa sa aktibidad.
Lumahok din ang Philippine Statistics Authority, Social Security System, at Pag-IBIG upang mag-abot ng kanilang serbisyo at programa sa mga aplikante.
Matatandaang nitong nakaraang April 27 ay nagsawa rin ng Job Fair 2024 sa Marikina City Hall.| ulat ni Diane Lear