Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Migrant Workers (DMW) na palakasin pa ang proteksyong ibinibigay ng pamahalaan sa mga manggagawang Pilipino sa labas ng bansa.
Sa talumpati ng Pangulo sa selebrasyon ng ika-122 Labor Day sa bansa, pinatitiyak ng pangulo sa DMW na palaging bukas ang gobyerno, lalo na sa oras ng pangangailangan ng OFWs.
Ang Php2.8 billion Aksyon Fund ng pamahalaan, dapat aniya i-mobilize para sa pagbibigay ng proteksyon sa distressed OFWs, tuwing nagkakaroon ng global crises o anomang emergency.
“Towards this end, let us continue to mobilize the 2.8 billion-peso Aksyon Fund and provide protection for distressed OFWs to attain justice and be safe from harm during global crises and emergencies. Let us also likewise provide forms of assistance to OFWs requiring welfare, repatriation, and reintegration services.” -Pangulong Marcos.
Ipinag-utos rin ng Pangulo ang pagpapatatag ng labor diplomacy at bilateral at multilateral level ng Pilipinas sa mga kabalikat nitong bansa.
Lalo na iyong mga bansa na nagsisilbing host country para sa mga OFW.
“Let us strengthen our efforts on labor diplomacy at the bilateral and multilateral level, and realize our shared responsibility with host country to ensure safe and ethical recruitment processes and just and humane conditions for our OFWs.” -Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, inatasan rin ng pangulo ang DMW, Department of Labor and Employement (DOLE), at iba pang tanggapan ng pamahalaan na na palakasin pa ang koordinasyon, para mga programa sa mga OFW na bumabalik na ng Pilipinas.
“Let us empower our OFWs as our partners in nation-building. Hence, I have directed the DMW, the DOLE, and all other government agencies to strengthen program coordination and development for the reintegration of returning OFWs.” -Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan