Pinaalalahanan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na maaring maharap sa kasong cyber-libel ang mga nagpo-post ng mapanirang pahayag online.
Ayon kay Acting ACG Director Police Brig. Gen. Ronnie Francis M. Cariaga, ang walang kaalaman ukol sa batas ay hindi “exemption” sa sinuman, anuman ang edad.
Ang pahayag ay ginawa ni PBgen. Cariaga matapos sabayang ipatupad ng Regional Anti-Cybercrime Unit 11 (RACU 11) at lokal na pulisya ang arrest warrant laban sa isang 16 na taong gulang na suspek sa Matina Aplaya, Davao City, dahil sa paglabag sa Section 4(c) 4 (Cyber Libel) of RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).
Ang arestadong menor de edad na kinilala sa alyas na “Saintz” ay inireklamo ng kanyang pinsan dahil sa pag-post sa Facebook ng larawan ng biktima na may mapanirang mga salita na nagdulot ng kahihiyan sa biktima.
Payo ni PBgen. Cariaga, pag-isipan munang mabuti bago mag-most ng anumang bagay online na maaring mapanira sa ibang tao, dahil sa possibleng legal na implikasyon nito. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of ACG