Binubuo pa ng LAKAS-CMD at Partido Federal ng Pilipinas ang magiging senatorial slate nila para sa 2025 mid-term.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Lakas-CMD Spokesman Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez, kinumpirma nito na magkakaroon ng iisang senatorial slate ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
Gayonman, hindi pa aniya nila ito mapapangalanan.
Sa hiwalay namang ambush interview kay House Speaker Martin Romualdez, presidente ng Lakas-CMD na marami ikokonsidera ang liderato ng alyansa sa kwalipikasyon ng pipiliing kandidato.
Ngayong araw ay pinagtibay ng dalawang partido ang pagsasanib pwersa para sa nalalapit na eleksyon.
Ani Romualdez, ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang pinakamalakas na political force sa bansa kung saan may 100 miyembro ang Lakas-CMD sa Kamara habang mula sa PFP ang mayorya ng mga lokal na opisyal.| ulat ni Kathleen Forbes