Nakapagbakuna na ang Navotas LGU ng 102% ng target nitong populasyon para sa Chikiting Ligtas 2024, o ang Nationwide Bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (bOPV-SIA)
Sa tala ng Navotas City Health Office, umabot sa 16,371 ang kabuuang bilan ng mga batang nabakunahan na kontra polio sa lungsod.
Ang Navotas ang una sa mga siyudad sa CAMANAVA na naabot ang target na ito.
Mula naman sa mga nabakunahan, 661 ang mga sanggol na 0-23 months old, habang 15,710 naman ang nasa 2-4 taong gulang.
Kabilang sa naging istratehiya ng LGU ang hanapin ang mga batang kulang ang natanggap na doses.
Patuloy namang hinihikayat ni Mayor John Rey Tiangco ang mga magulang na pabakunahan na ang mga anak kontra polio virus.
“The polio vaccine is safe and effective. Let us ensure that our children are protected from vaccine-preventable diseases by making sure that their immunization is updated,” panawagan ni Mayor Tiangco. | ulat ni Merry Ann Bastasa