Iginiit ng Young Guns ng Kamara na walang patutunguhan ang ginagawang paninira sa administrasyon maging ang sinasabing destabilization plot.
Ayon kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto-Adiong, kapansin-pansin na matapos ang ginawang trilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas, US, at Japan ay tila sunod-sunod ang mga hakbang para dungisan ang Marcos Jr. adminsitration.
Isa na nga aniya rito ang ginagawang “PDEA leaks” investigation ng Senado at mga buwanang “peace rally”.
“I think there’s a consented effort really. Kasi if you look at the development after the trilateral agreement, there’s no way for you but to think that there is something deeper beyond what is happening in the committee hearing in the Senate. It’s simultaneously, the peace rally that they also hold it conduct each month yung rally… You don’t need Senator Trillanes telling us all this. You just have to connect the dots,” sabi ni Adiong.
Ngunit hindi aniya magtatagumpay ang mga planong ito dahil malaki ang tiwala ng publiko sa Pangulong Ferdinand R. Marcor Jr.
“If you take my opinion in it, yes, there is a a big effort to destabilize this administration. But definitely, that would fail. Because I think the Filipino people, the public really trusted this, President. I think he was the President who garnered more than 31 billion votes and the trust rating of the President is relatively high. And the economy is doing well. The President has identified programs which benefited not only Metro Manila but all over the country,” diin ni Adiong.
Naniniwala naman si Deputy Speaker David Suarez na walang makikinabang sa planong destabilisasyon at sa halip ay ikasasama lang ng mga Pilipino.
“Ako sa palagay ko kung sa sumatotal, walang makikinabang. Dahill ikasasama ‘to ng mamamayang Pilipino, ninanais natin na maging matagumpay ang ating Pangulo, ninanais natin na maging matagumpay ang ating bansa, ninanais natin na ang buhay ng bawat Pilipino ay umangat. Ngayon, itong mga bagay bagay na ginagawa nila na paninira, paglilihis, pagiinsinuate ng anumang akusasyon ay hindi nakakatulong sa bansang Pilipinas. Kaya ang payo ko hindi rin naman kayo magtatagumpay, let’s let the administration work, let’s allow the administration to succeed, if we love our country let’s work for the Filipino people,” giit ni Suarez.
Sinegundahan ito ni Ako Bicol Party-list Representative Jil Bongalon.
Panawagan nito sa mga Pilipino na huwag suportahan ang masamang hangarin ng mga taong nasa likod nito, dahil kapakanan ng bansa ang nakasalalay. | ulat ni Kathleen Jean Forbes