Papalo sa 32 sasakyan ang nasita ng mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA busway.
Ito’y sa magkasunod na operasyon na ikinasa ng SAICT sa bahagi ng EDSA Santolan at EDSA Ortigas area kaninang umaga.
29 sa mga ito ay pawang mga motor rider kung saan, 2 rito ay motorcycle taxi habang 1 Pulis at 1 Sundalo ang nahuli at binigyan ng violation ticket.
Sinita rin ang 2 pribadong sasakyan kung saan, 1 rito ay minamaheno ng isang taga Philippine Marines gayundin ay 1 ambulansya na walang sakay na pasyente at bigong magpakita ng dispatch order ang hinuli.
Ang mga ito ay mahaharap sa Php 5,000 multa para sa kanilang unang paglabag. | ulat ni Jaymark Dagala