Nagpaabot ng pagbati sina House Speaker Martin Romualdez at Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos sa matagumpay na Bicol Loco Festival na ginanap sa Albay.
Ayon kay Rep. Marcos, hindi lang nito palalakasin ang turismo sa rehiyon ngunit may malaking ambag din sa national tourism.
Sa hiwalay na panayam naman kay Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, sinabi nito na nakikipag negosasyon na sila pagbili ng dagdag na hot air balloon.
Matatandaan na sinabi ng kinatawan na plano na nilang gawing isang regular na atraksyon ang hot air balloon sa probinsya.
Oras na maisapinal ang magiging hot air balloon season sa Albay ay mula Abril hanggang Setyembre. | ulat ni Kathleen Forbes