Pinuri ni Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lt. General Fernyl Buca ang Tactical Operations Group 2 (TOG 2) ng Philippine Air Force sa kanilang kontribusyon sa matagumpay na pagpapatupad ng COPLAN “HIGHLANDER” sa Mt. Chumanchil, Tinglayan, Kalinga.
Ang naturang operation, ay nagresulta sa pagwasak ng 1,575 kgs ng pinatuyong marijuana, at 3.3 milyong fully grown marijuana plants sa 19.5 ektaryang lupaian, na nagkakahalaga ng 861 milyong piso.
Ayon kay Lt. Gen. Buca ang TOG 2 sa pamumuno ni Group Commander Col. Glenn Piquero ang nagsagawa ng crucial air operations, kabilang ang aerial reconnaissance, personnel insertion and extrication, at transportasyon ng mahahalagang kagamitan gamit ang Black Hawk at Huey II helicopters.
Binati din ni Lt. Gen. Buca ang lahat ng ahensya ng gubyerno na nagtulungan sa pinagsanib operasyon sa pangunguna ng Special Operations Unit Cordillera at Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group, sa mahusay na kolaborasyon laban sa ilegal na droga. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of NOLCOM