Sinimulan na ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang paghahanda para sa WorldSkills ASEAN PH 2025.
Nagtipon ang iba’t ibang representante ng mga ahensya ng pamahalaan para ilatag ang initial groundwork para sa pag-host ng WorldSkills ASEAN Philippines Skills Competition in 2025.
Ayon kay TESDA Director General Secretary Suharto Mangudadatu, suportado nila ang nasabing event at binigyang-diin ang kahalagahan nito para itulak ang economic growth at workforce competitiveness.
Paliwanag pa ng kalihim, na ang pagiging host ng nasabing kompetisyon ay pagpapatunay lang ng commitment ng bansa para sa vocational excellence. | ulat ni Lorenz Tanjoco