Sinabi ni Senate Committee on National Defense Chairman Senador Jinggoy Estrada na wala pa siyang buong detalye tungkol sa bagong insidente sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ay may kaugnayan sa panghaharang ng Chinese Coast Guard sa Philippine patrol vessel sa WPS.
Gayunpaman, aminado naman si Estrada na paulit ulit na lang ang problema.
Sa kabila ito ng mga inihaing diplomatic protest, pagpapatawag sa ambassador ng China dahil sa naging pahayag nito.
Para sa senador, sobra-sobra na ang pambubully ng China sa ating bansa.
Kaugnay nito, plano ng ni Estrada na bumisita sa West Philippine Sea sa Hunyo para tingnan ang sitwasyon doon. | via Nimfa Asuncion