VP Sara Duterte, ipinagtibay ang bilateral relations sa miyembro ng Japanese House of Reps na si Koichi Hagiuda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ni Vice President Sara Duterte ang bilateral relations at pagpapaigting ng development cooperations sa miyembro ng Japanese House of Representatives na si Koichi Hagiuda.

Sa pulong nina VP Sara at Representative Hagiuda, napagkasunduan ang mas matatag na suporta sa diplomatic ties at pagpapabuti ng mga komunidad tungo sa paglago ng ekonomiya.

Kabilang sa tinalakay ng dalawang leader ang security at economic cooperations partikular sa proyektong pang-imprastraktura sa Pilipinas upang samantalahin ang potensyal ng bansa at magkaloob ng oportunidad sa mamamayan.

Sinabi ni Hagiuda na ang kanyang pagbisita ay alinsunod sa mahigit isang dekadang relasyon ng Japan sa mga bansang nasa ilalim ng Association of Southeast Asian Nations.

Maituturing aniya na development partner ang Japan na tumutupad sa commitment at patunay ang pagsuporta sa Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte sa pamamagitan ng public-private assistance. | ulat ni Hajji Pantua Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us