Hindi isinasantabi ni ACT CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na ipatawag din ng Kamara si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Kaugnay ito sa inihaing resolusyon ng mambabatas para paimbestigahan ang posibleng pang-aabuso sa paggawad ng retiree at investors visa sa mga Chinese nationals at ang Late Registration of Birth.
Punto ni Tulfo, maaaring may butas sa proseso ng Late Registration ng Birth Certificate na nagagamit ng mga dayuhan gaya na lang aniya ng sitwasyon ni Guo.
Ang nakapagtataka pa aniya, nairehistro si Guo bilang Pilipino na hindi malinaw kung sino ang mga magulang nito.
Aminado naman ang mambabatas na batay na rin sa mga ulat, ang problema ay nasa Local Civil Registry kaya’t kasama ito at ang Philippine Statistics Authority sa mga padadaluhin sa pagdinig. | ulat ni Kathleen Jean Forbes