Speaker Romualdez, nagpasalamat sa mga kasamahang mambabatas sa maagap na pag-tugon sa bagyong Kristine kahit naka-break ang Kongreso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala at pinasalamatan ni Speaker Martin Romualdez ang mga kasamahang mambabatas sa kanilang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine, kahit pa naka-break ang Kongreso.

Sa kaniyang mensahe sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kamara, sinabi ni Romualdez na marami sa mga mambabatas ang hindi nag-atubili na tumulong kahit panahon sana ng pahinga ng Kongreso.

Giit niya, ipinakita ng mga mambabatas sa mga Pilipino kung paano ang tunay na paglilingkod.

“May our heartfelt prayers and unwavering solidarity serve as a source of hope and healing in this time of immense sorrow. I extend my heartfelt gratitude and congratulations to each and every one of you in the face of Typhoon Christine, a calamity that swept through communities, destroyed homes, and disrupted lives. Many of you did not hesitate to set aside what should have been a period of rest. You mobilized, responded, and reached out to those in need, showing our countrymen what it truly means to serve. Our recent break intended for restoration and recuperation became a period of relentless work. Despite the demands and sacrifices it entailed, you showed unwavering dedication.”, sabi ni Speaker Romualdez.

Sabi pa niya na tunay na maipagmamalaki ang mga miyembro ng House of Representatives na sabay na ginagampanan ang kanilang responsibilidad sa mga distrito at pakikibalikat sa relief efforts. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us