Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang pagiging ganap na batas ng CREATE MORE (Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy) Law.
Babaguhin nito ang 25 section at magdaragdag ng apat na bagong probisyon sa National Internal Revenue Code bilang amyenda sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.
Ito ay para malinawan ang mga hindi malinaw na probisyon tungkol sa tax incentives na iginagawad ng CREATE law sa local at domestic corporations mula nang isabatas noong March 21.
Bagamat ibinaba sa 20% mula sa 25% ang corporate income tax sa orihinal na batas ay may ilang reklamo ang mga investors tulad sa value-added-tax.
“To resolve these issues, and to encourage these investors to remain in the country and keep their workers employed, we found it necessary to already amend the law. We acted fast to make adjustments in the law to preserve existing investments and to attract additional capital,” giit ni Speaker Romualdez.
Nakapaloob din aniya sa CREATE MORE ang mga input mula sa mga investment mission ng Pangulong Marcos Jr. sa ibayong dagat kung saan nagdagdag ng income tax deduction at pagpapadali sa VAT-related procedures.
Partikular kasing tinukoy ng mga investor ang ilang discrepancies sa orihinal na batas at ang implementing rules and regulations (IRRs) nito.
Umaasa naman si Romualdez na sa bagong batas ay matugunan nito ang reklamo ng mga investors ay mas makahikayat pa ng mga mumuhunan sa bansa upang makalikha din ng mas marami pang trabaho.
“We hope the changes will satisfy our existing investors and entice more foreign capitalists to invest in the country. The enactment of the new law signals our unwavering commitment to keep and attract investments that will preserve jobs and create more opportunities for our people,” dagdag ng House Speaker. | ulat ni Kathleen Forbes