Nadagdagan pa ang mga transmission line facility sa Luzon na bumigay sa kasagsagan ng bagyong Nika.
Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayong hapon, bumigay na rin ang Santiago-Batal 69kv Line na nagseserbisyo sa Isabela Electric Cooperative o ISELCO.
Iniulat kaninang umaga ang pagtigil sa operasyon ng tatlong transmission line facilities ng NGCP sa Luzon dahil sa pananalasa ng bagyo.
Kabilang dito ang: Santiago-Cauayan 69kv Line na nagsusuplay ng kuryente sa ISELCO I; Gayundin ang Santiago-Aglipay 69kv Line na nagseserbisyo sa ISELCO I; at QUIRLCO at Santiago-Alicia 69kv Line na pinagkukuhanan din ng suplay ng kuryente ng ISELCO I at IFELCO.
Gayunman, kumikilos na rin ang mga tauhan ng NGCP para maibalik ang suplay ng elektrisidad sa mga apektadong lugar. | ulat ni Rey Ferrer