SP Chiz Escudero, inaasahang makagagawa ng mas maraming trabaho at investments sa Pilipinas ang CREATE MORE law

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan ni Senate President Chiz Escudero na makagagawa ng mas maraming trabaho sa bansa ang pagsasabatas sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act.

Ang panukala ay isa sa mga priority legislation ng administrasyon na magbibigay sigla sa ekonomiya. Inaamyendahan nito ang Republic Act 11534 o ang orihinal na CREATE Act.

Layon nitong mas simplehan at pabilisin ang VAT provisions ng batas partikular sa mga VAT refund claims at VAT zero-rating sa mga lokal na pinamimili.

Ayon kay Escudero, sa pamamagitan ng bagong batas ay magkakaroon ng mas kanais-nais na sitwasyon para sa mga mamumuhunan sa bansa. Dahil dito, inaasahang mas makagagawa ng maraming trabaho at magtutulak ng pag-unlad sa bansa.

Giit ng senate leader, ang nais naman ng mga investor ay ang pagkakaroon ng malinaw at hindi nagbabagong polisiya sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us