Pinagkalooban na ng tulong pinasyal ang mga pamilya na nawalan at nasiraan ng bahay sa Legaspi Albay dahil sa nagdaang Bagyong Kristine.
Ang bigay na tulong ay inisyatiba ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa ilalim ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program.
Mahigit anim na milyong pisong cash assistance ang naipamahagi ng DHSUD sa may 356 pamilya sa lalawigan.
Bawat pamilya na may totally damage na bahay ay pinagkalooban ng P30,000 habang P10,000 naman sa bahagyang nasiraan lamang.
Pagtiyak ni DHSUD Undersecretary for Disaster Response Randy Escolango na makaTatanggap din ng kahalintulad na tulong ang iba pa na nawalan at nasiraan din ng bahay sa mga huling nagdaang bagyo. | ulat ni Rey Ferrer