Isasagawa ng Maynilad ang isang flood-proofing activitiy sa Pasay Pumping Station and Reservoir nito sa Kapitan Ambo, Pasay City, upang masigurong mas maaasahan ang operasyon nito.
Ang nasabing maintenance ay magsisimula mula 4:00 PM ng Nobyembre 25 hanggang 8:00 ng umaga Nobyembre 26, 2024 dahilan upang magkaroong ng water interruptions sa ilang lugar sa katimugang bahagi ng Metro Manila.
Apektado ang mga sumusunod na lugar:
• Las Piñas City: BF International/CAA, D. Fajardo, E. Aldana, Ilaya, Manuyo Uno, at Manuyo Dos.
• Parañaque City: Baclaran, BF Homes, Don Galo, La Huerta, Moonwalk, San Dionisio, San Isidro, Sto. Niño, Tambo, at Vitalez.
• Pasay City: Barangay 10-13, 26, 28-31, 38-40, 76-78, kabilang ang ilang barangay magmula 145 hanggang 200.
Ang nasabing aktibidad ay isasagawa sana noong Oktubre pero naurong ito dahil sa epekto ng Bagyong Kristine. Hinihikayat naman ng Maynilad ang mga customer na mag-imbak ng sapat na tubig. Magkakaroon din ng mga mobile water tanker at stationary tanks para sa mga nangangailangan sa oras ng gagawing aktibidad ng Maynilad.
Payo rin ng Maynilad, patakbuhin muna ng mga customer nito ang tubig hanggang luminaw pagkatapos maibalik ang serbisyo sa mga nasabing lugar.
Humihingi naman ng pasensya ang Maynilad para sa abala at nagpasalamat sa pang-unawa ng mga customers nito.| ulat ni EJ Lazaro